Immigration Services and Support Resources – Tagalog

Mga Serbisyo sa Imigrasyon at Mga Mapagkukunan ng Suporta

Ang Oregon ay mas matatag kapag ang lahat sa ating estado ay ligtas, alam ang tungkol sa kanilang mga karapatan, at sinusuportahan ng isang pamahalaan na nagpapahalaga sa kanilang pagsasama at dignidad. Gusto kong malaman mo na kung narito ka man bilang isang imigrante, taga-paglikas, naghahanap ng asilo, o may hawak na anumang katayuan sa imigrasyon – hindi ka nag-iisa, at karapat-dapat ka sa malinaw, mapagkakatiwalaang impormasyon tungkol sa iyong mga karapatan.

Ang mga batas ng Oregon, kabilang ang ating mga batas sa santuwaryo ng estado, ay idinisenyo upang matiyak na ang mga miyembro ng komunidad ay hindi nakakaranas ng paghihinala batay sa lahi, na ang estado at lokal na pamahalaan ay patuloy na isang mapagkukunan para sa tulong at hindi isang mapagkukunan ng takot, na nagpapahintulot sa lahat na mag-ambag at umunlad sa ating dakilang estado. Ngunit alam ko rin na ang pagkakaroon ng mga legal na proteksyon sa papel ay hindi palaging nangangahulugan na ang mga tao ay nakadarama ng ligtas sa pagkamit ng tulong.

Ang pahina ng Mga Serbisyo sa Imigrasyon at Mapagkukunan ng Suporta ay binuo upang makatulong na ikonekta ang mga miyembro ng komunidad sa ilan sa mga pinagkakatiwalaang organisasyon ng Oregon sa buong Oregon. Ang pahinaryang ito ay hindi kumpleto, dahil maraming kahanga-hangang lokal na ahensya ng komunidad ang sumusulong sa panahong ito ng pangangailangan. Tinutugunan din ng pahinang ito ang mga madalas itanong tungkol sa ICE at ang iyong mga legal na karapatan at nagbibigay ng mga koneksyon sa mga serbisyo para sa mga miyembro ng komunidad ng imigrante at taga-paglikas sa buong estado natin.

Ang ating layunin ay simple: upang magbigay ng kalinawan, kumpiyansa, at suporta – anuman ang iyong katayuan, saan ka man nakatira, o ano mang hamon ang iyong kinakaharap. Ikaw ay bahagi ng Oregon, at kami ay nakatuon na tumayo kasama ka.

Dan Rayfield, Abogadong Heneral

 

Kasama sa koleksyong materyal na ito ang mga sumusunod:

  1. Mga Organisasyon Batay sa Komunidad na Nagtatrabaho sa mga Miyembro ng Komunidad ng Imigrante
  2. Alamin ang Iyong mga Karapatan kung ang ICE ay Dumating sa Inyong Komunidad
  3. Paano Mahanap ang Mahal sa Buhay Pagkatapos ng Pag-aresto sa Imigrasyon sa U.S.
  4. Koleksyong Materyal sa Santuwaryong Pangakong Komunidad

Paunawa: Ang mga koneksyon at impormasyong ibinigay sa mga pahinang ito ay pang impormasyon lamang, ay hindi kumpleto, at hindi bumubuo ng legal o medikal na payo. Kung kailangan mo ng legal na payo, mangyaring kumonsulta sa isang abogado. Kung kailangan mo ng medikal na payo, kumonsulta sa iyong tagapamigay ng pangkalusugang pangangalaga. Ang impormasyong ito ay kasalukuyan mula 08/05/2025.

Mga Organisasyon Batay sa Komunidad na Nagtatrabaho sa mga Miyembro ng Komunidad ng Imigrante

Ang nasa ibaba ay ilan lamang sa maraming natatanging lokal na organisasyon ng komunidad na sumusuporta sa mga imigrante sa Oregon sa panahong ito ng pangangailangan. Kung hindi mo makita ang mga mapagkukunan na iyong hinahanap, o kung ang iyong organisasyon ay hindi nakalista at gusto mong isama ito, mangyaring makipag-ugnayan sa Opisina ng Abogadong Heneral sa AttorneyGeneral@doj.oregon.gov.

Oregon Para sa Lahat
Ang Oregon Para sa Lahat ay nagbibigay ng madaling magamit na direktoryo ng mga mapagkukunan para sa mga komunidad ng imigrante at taga-paglikas. Kung kailangan mo ng tulong sa legal na suporta, pampublikong mga benepisyo, kaligtasan ng komunidad, o adbokasiya, ang sentro na ito ay nag-uugnay sa mga indibidwal sa mga pinagkakatiwalaang organisasyon at impormasyon sa maraming wika sa buong Oregon.
Siyasatin ang Oregon Para sa Lahat »

Organisasyon ng Komunidad ng Imigrante at Taga-Paglikas (Immigrant and Refugee Community Organization – IRCO)
Ang IRCO ay nagbibigay ng mga serbisyong partikular sa kultura sa mga imigrante, taga-paglikas at komunidad ng kulay sa buong Oregon. Mula sa tulong sa pabahay at suporta sa pagtatrabaho hanggang sa mga programa ng kabataan at adbokasiya ng komunidad, ang gawain ng IRCO ay nakaugat sa pagbibigay kapangyarihan sa mga indibidwal at pagbuo ng matatag, inklusibong komunidad. Ang mga serbisyo ay makukuha sa maraming wika at bukas sa lahat anuman ang katayuan sa imigrasyon.
Bisitahin ang IRCO.org »

Mga Serbisyong Pangkomunidad ng Lutheran sa Hilagang-kanluran (Lutheran Community Services Northwest – LCSNW)
Ang LCSNW ay nagbibigay ng malawak na hanay ng mga komprehensibong serbisyo na naaangkop sa kultura sa mga imigrante, taga-paglikas, at naghahanap ng asilo sa buong Oregon. Meron itong mga opisina sa Portland, Salem, Beaverton at McMinnville, kabilang sa mga serbisyo ng LCSNW ang suporta sa pamilya, mga serbisyong legal para sa taga-paglikas at imigrante at mga serbisyo sa biktima ng krimen. Makukuha ang mga serbisyo sa maraming wika at bukas sa lahat anuman ang katayuan sa imigrasyon.
Bisitahin ang LCSNW.org »

Mga Kawanggawa sa Katoliko (Catholic Charities)
Ang Catholic Charities ay nagbibigay ng panibagong tirahan sa mga taga-paglikas at mga serbisyo sa pamamahala ng kalagayan sa mga indibidwal at pamilya na naghahangad na gawin ang Oregon na kanilang tahanan. Kasama sa mga serbisyo ng migrante ang pagsuporta sa mga pangangailangan na may kaugnayan sa pabahay, trabaho, edukasyon, pati na rin ang pagbibigay ng legal na tulong at indibidwal na pamamahala ng kalagayan upang makatulong sa mga pangangailangan sa sambahayan.
Bisitahin ang Catholiccharities.org »

Mga Serbisyo Panlipunang Islam sa Estado ng Oregon (Islamic Social Services of Oregon State – ISOS)
Ang ISOS ay nakikipagtulungan sa sistema ng mga hindi pangkalakal (non-profit) na organisasyon at mga grupo ng serbisyo sa komunidad upang magbigay ng mga serbisyo sa taga-paglikas at tulungan ang mga nahaharap sa mga panahon ng hamon sa pagkakaroon ng pag-asa sa sarili sa pamamagitan ng tulong pinansyal at pagkamit sa mas malawak na mapagkukunan. Kabilang sa mga pangunahing lugar ng serbisyo ang pag-iisponsor at pagtulong sa mga taga-paglikas sa loob ng itinalagang oras ng pagiging sapat sa sarili at pagbibigay ng tulong kapag may nangyaring sakuna, tulad ng kawalan ng kakayahang magbayad ng mga bayarin dahil sa paghihiwalay ng pamilya at pagkawala ng kita.
Bisitahin ang i-sos.org »

Network ng Latino (Latino Network)
Mula sa kalusugan at kagalingan hanggang sa mga serbisyo ng nabigasyon sa imigrasyon, ang Latino Network ay gumagamit ng isang komprehensibong paraan sa pagtugon sa mga pangangailangan ng komunidad. Pinagsasama ng mga programa ang maagang pagbasa, kulturang Latine, pakikipag-ugnayan ng magulang, seguridad sa pabahay, tulong sa enerhiya, at pamamahala ng kalagayan.
Bisitahin ang latnet.org »

Salem para sa Taga-paglikas (Salem for Refugees)
Ang Salem For Refugees ay nagbibigay ng panibagong tirahan at mga serbisyong suporta na tumutugon sa kultura para sa taga-paglikas at iba pang bagong dating sa lugar ng Salem. Mula sa nabigasyon sa pabahay at suporta sa pagtatrabaho hanggang sa mga pag-aaral sa wikang Ingles at koneksyon sa komunidad, ang kanilang trabaho ay nakaugat sa pagbibigay kapangyarihan sa mga pamilya at pagtulong sa kanila na umunlad. Ang mga serbisyo ay iniayon sa mga natatanging pangangailangan ng mga taga-paglikas at inaalok sa pakikipagtulungan sa mga lokal na organisasyon, na may pangmatagalang suporta na magagamit hanggang sa limang taon pagkatapos ng kanilang pagdating.
Salem para sa Taga-paglikas »

EUVALCREE
Ang EUVALCREE ay nagbibigay ng kapangyarihan sa mga komunidad na kulang sa serbisyo at hindi kinakatawan sa buong kanayunan ng Silangang Oregon sa pamamagitan ng pag-aalok ng mga suportang tumutugon sa kultura sa pagpapaunlad ng komunidad, edukasyon, pangkalusugang pangangalaga, pabahay, at imigrasyon. Binubuo nila ang kapasidad ng pamumuno, pinalalakas ang pakikipag-ugnayan ng sibiko, at pinapalakas ang imprastraktura ng lipunan sa pamamagitan ng pagsasanay, mga serbisyong legal, at mga inisyatiba sa pagtutulungan, na tinitiyak na ang mga komunidad sa kanayunan ay may makapangyarihan at tunay na boses.
EUVALCREE »

Mga Karagdagang Mapagkukunan:

Opisina ng Estado ng Oregon sa Pagsulong ng Imigrante at Taga-paglikas (State of Oregon Office of Immigrant and Refugee Advancement – OIRA)
Gumagana ang OIRA sa loob ng Kagawaran ng mga Serbisyo ng Tao ng Oregon (Oregon Department of Human Services) upang mapabuti ang pagkamit sa mga serbisyo para sa mga imigrante at taga-paglikas. Pinamunuan ng tanggapan ang mga pagsisikap ng estado na bawasan ang mga hadlang, itaguyod ang pagsasama, at ikonekta ang mga komunidad sa mahahalagang suporta tulad ng pangkalusugang pangangalaga, tulong pang-ekonomiya, at mga serbisyo sa bata at pamilya.
Matuto pa sa ODHS.gov »

Sentro ng Batas ng Oregon (Oregon Law Center)
Ang Oregon Law Center ay nagbibigay ng libreng legal na tulong sa mga komunidad na mababa ang kita sa buong Oregon, kabilang ang mga imigrante at taga-paglikas. Nahaharap ka man sa mga isyu sa pabahay, trabaho, pampublikong benepisyo, o diskriminasyon, ikinokonekta ng OLC ang mga indibidwal na may ekspertong legal na suporta sa pamamagitan ng network ng mga programang lokal na opisina at sa buong estado. Makukuha ang mga serbisyo sa maraming wika upang matiyak na ang lahat ay may pagkakataong makamit ang katarungan.
Sentro ng Batas ng Oregon »

Kampanya ng Hustisya sa Imigrasyon (Immigration Justice Campaign)
Ang Immigration Justice Campaign ay isang pambansang organisasyon ng adbokasiya na nakatuon sa pagtatanggol sa mga karapatan ng imigrante at pagtataguyod ng pagkakaisa sa pamamagitan ng positibong pagkukuwento at makatotohanang impormasyon. Mula sa pabulaanan ang mitolohiya at pagbabahagi ng mga kwento ng tagumpay ng imigrante hanggang sa pagbibigay ng mga legal na mapagkukunan at pagpapalakas ng adbokasiya sa pamamagitan ng mga materyal at kampanya, ang kanilang gawain ay nakaugat sa pagbuo ng isang mas inklusibo, may kaalaman, at makatarungang lipunan kung saan ang mga imigrante ay ipinagdiriwang bilang mahahalagang kontribusyon sa ating mga komunidad.
Kampanya ng Hustisya sa Imigrasyon »

Alamin ang Iyong mga Karapatan kung ang ICE ay Dumating sa Inyong Komunidad:

Tumawag para Mag-ulat ng Aktibidad sa ICE:

Mga Mapagkukunan at mga Bidyo sa Alamin ang Iyong Mga Karapatan: (sa maraming wika)

Paano Mahanap ang Mahal sa Buhay Pagkatapos ng Pag-aresto sa Imigrasyon sa U.S.

Kung ang isang miyembro ng pamilya o mahal sa buhay ay hinulil ng mga awtoridad sa imigrasyon, maaari itong maging mapuspos at mahirap malaman kung saan lilingon. Narito ang ilang mga lugar kung saan pwedeng magsimula:

  • Ang Pambansang Sentro ng Batas sa Imigrasyon (NILC) Biblyoteka ng Mapagkukunan »
    • Ang biblyoteka ng mapagkukunan na ito nagbibigay ng kapaki-pakinabang na gabay sa paghahanap ng mga indibidwal na inaresto ng Immigration and Customs Enforcement (ICE) at pag-unawa sa mga legal at pamamaraan na hakbang na maaaring sundin. Makakatulong sa iyo ang mga materyal na ito na gumawa ng may kaalaman, agarang aksyon para protektahan ang mga karapatan at kapakanan ng iyong mahal sa buhay, kabilang ang:
      • paano gamitin ang sistema ng ICE sa paghahanap ng detenido
      • ano ang mga karapatan ng mga detenido
      • kung paano kumonekta sa legal na tulong. how to connect with legal assistance.
    • Makakatulong sa iyo ang mga materyal na ito na gumawa ng may kaalaman, agarang aksyon para protektahan ang mga karapatan at kapakanan ng iyong mahal sa buhay.

Koleskyong Materyal sa Santuwaryong Pangakong Komunidad:

Sinasabi ng mga batas sa santuwaryo ng Oregon na ang estado at lokal na pamahalaan, kabilang ang pulisya, ay hindi tutulong sa pagpapatupad ng pederal na batas sa imigrasyon nang walang utos ng korte na nilagdaan ng isang hukom. Ang mga batas ng Oregon ay hindi nagbabawal sa ICE at iba pang pederal na ahensya ng imigrasyon na magsagawa ng mga tungkulin sa pagpapatupad sa ating estado; sa madaling salita, ang mga miyembro ng komunidad ay maaaring legal na maimbestigahan, makulong, at ma-deport mula sa Oregon ng mga pederal na ahensyang nagpapatupad ng imigrasyon, sa kabila ng ating mga batas sa santuwaryo.

Ang ating Koleskyong Materyal sa Santuwaryong Pangakong Komunidad ng Oregon DOJ ay idinisenyo upang bigyang kapangyarihan ang mga komunidad ng imigrante at ang kanilang mga kaalyado ng tama, naaaksyunan na impormasyon. Kasama sa mapagkukunang ito ang mga madalas itanong kabilang ang kung paano iulat ang presensya ng ICE o pederal na pagpapatupad ng imigrasyon sa Oregon, kung paano makakuha ng mapagkakatiwalaang tulong legal, at mga paraan upang suportahan ang mga kapitbahay at miyembro ng komunidad na maaaring nasa panganib, at marami pang iba. Kung naghahanap ka man ng legal na suporta o naghahanap ng pagtataguyod para sa iba, ang materyal na ito ay nag-aalok ng malinaw na gabay na nakaugat sa pangako ng Oregon sa kaligtasan, dignidad, at pantay na proteksyon para sa lahat.

Siyasatin ang Koleskyong Materyal sa Santuwaryong Pangakong Komunidad